
Pinuri ni Philippine National Police (PNP) acting Chief Police Lt. General Jose Melencio Nartatez Jr., ang desisyon ni Sarah Discaya na harapin ang reklamo laban sa kanya kaugnay ng pagkakasangkot nito sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Nartatez, welcome sa PNP ang naging desisyon ni Sarah Discaya at sinabing isa itong tamang desisyon na dapat tularan ng iba pang akusado.
Dagdag pa nya, kinakailangan ng tapang ng isang tao para gawin ang kaparehong desisyon, lalo na’t non-bailable o walang piyansa ang inihain na kaso.
Matatandaan na nitong Martes nang sumuko si Discaya sa National Bureau of Investigation (NBI) kahit na wala pa itong arrest warrant.
Kung saan walang nakikitang problema ang PNP sa pagpili ni Discaya na sumuko sa NBI dahil pareho lang din naman ang layunin ng dalawang ahensya.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa NBI at iba pang law enforcement agencies laban sa mga akusado kaugnay ng flood control at iba pang high-profile na mga kaso.









