Desisyon sa hirit na dagdag-sahod, pinamamadali ng mga mambabatas at labor group

Pinamamadali na ng mga labor group at ng ilang mambabatas ang pagdedesisyon ukol sa hirit na itaas ang minimum wage ng mga manggagawa.

Aabot sa P470 na umento ang ihinihirit ng labor groups, na layong maiangat sa poverty threshold ang sahod.

Ayon kay Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Spokesperson Alan Tanjusay, ang wage increase ang pinakaimportante lalo na sa panahong ito dahil ito ay sigurado at direktang mapupunta sa mga manggagawa at pakikinabangan ng kanilang pamilya.


Nabatid na binibigyan ng mga mambabatas ang mga regional wage board ng 30 na araw upang mapagdesisyunan ang mga petisyon sa mga umento.

Bukod dito ay kinuwestiyon din ng mga mambabatas kung bakit ilang taon ang inabot mula nang huling itaas ang sahod ng mga manggagawa.

Samantala, tutol naman ang Department of Finance (DOF) at economic cluster ng pamahalaan na itaas ang sahod dahil sa magiging epekto nito sa inflation o pagtaas presyo ng mga bilihin.

Facebook Comments