Magnolia at Meralco, magtatapat sa semifinals ng PBA Governors Cup

Maghaharap sa semifinals ng PBA Governors Cup ang Magnolia Hot shots at Meralco Bolts.

Hindi sinayang ng Hotshots ang kanilang twice-to-beat advantage para tambakan ang Phoenix Super LPG sa score na 127-88.

Nanguna sa panalo ng Magnolia si Paul Lee na nagtala ng 25 points at anim na rebounds.


Samantala, nilampaso rin ng Meralco Bolts ang San Miguel Beermen sa score na 100-85.

Bumida sa Bolts si Chris Newsome na nagtala 22 points habang mayroong pitong puntos si Reynel Hugnatan at 8 points.

Facebook Comments