Desisyon sa imbestigasyon sa kaso ni Guimbal Mayor Garin, inilabas na

Manila, Philippines – Opisyal nang ipinag-utos ng National Police Commission ang tuluyang pagbawi sa deputation bilang NAPOLCOM Representative at kontrol sa local police kay Guimbal, Iloilo Mayor Oscar Garin.

Sa inilabas na resolution ng NAPOLCOM en banc, napatunayan sa imbestigasyon ng komisyon na may ginawang pagmamalabis sa kapangyarihan si Garin ng kanyang tutukan ng baril si PO3 Federico Macaya at bugbugin pa ng kanyang anak na si Congressman Richard Garin noong Disyembre 26,2018.

Ayon kay DILG Secretary at NAPOLCOM Chairman Eduardo Año, ang agarang aksyon ng NAPOLCOM sa naturang kaso ay nagpapakita lamang na hindi kinukunsinte ng DILG ang anumang pang-aabuso sa kapangyrihan ng sinumang local government official lalo na sa mga uniformed personnel o government employee .


Una nang tiniyak ni Año na mangingibabaw ang hustisya sa kaso at mapanagot ang may kagagawang opisyal ng pamahalaan.

Ang ginawa ni Mayor Garin ay hindi lamang paghamak kay P03 Macaya kundi isang insulto sa buong organisasyon ng PNP na hindi maaaring balewalain ng DILG.

Facebook Comments