Desisyon sa pagpapatupad ng number coding scheme nasa MMDA pa rin

Iginiit ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistant Secretary Celine Pialago na sila pa rin ang magpapasya kung ipatutupad na ang number coding scheme.

Ang sitwasyon ng trapiko aniya ang tinitingnan nilang basehan sa pagpapatupad ng number coding.

Sa ngayon, dahil kulang pa rin ang pampublikong sasakyan at limitado pa rin ang pagpapasakay sa mga bumibiyaheng bus, nananatili pa ring suspendido ang number coding.


Ito ay upang malimitahan ang mga pribadong sasakayan na bumibiyahe habang hindi pa normal ang sitwasyon at upang makontrol pa rin ang paglabas ng mga tao sa panahon ng community quarantine.

Kinukunsulta rin aniya ng MMDA ang ilang transport agency tulad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr) kaugnay sa number coding implementation.

Aniya, mula nang ipatupad ang General Community Quarantine (GCQ), nasa 197,000 araw-araw ang dumadaan na mga motorista sa EDSA.

Mas mababa ito kumpara noong wala pang COVID-19 dahil umaabot ng 405,000 ang dumadaan na mga motorista sa EDSA.

Facebook Comments