Hindi sinang-ayunan ng kongresista sa ikalawang distrito sa lalawigan ng Pangasinan ang desisyon ng mga ahensyang Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) na itinigil ang Milk Feeding Program sa mga bata nang nagdaang bakasyon.
Alinsunod dito ang pagsusulong ng nararapat na nutrisyon ng mga kabataang Pangasinense sa naganap na deliberasyon ng 2024 Proposed National Budget.
Nabigyang diin din ang posibleng mga sakit na talamak ngayon at bilang pagtugon ay isinusulong ang mga programang may kaugnayan sa pangkalusugan.
Dagdag pa ng kongresista na nararapat lamang umanong nasusuplayan ang kinakailangang nutrisyon sa araw-araw ng mga kabataan. |ifmnews
Facebook Comments