Despacito, kinilala bilang “most-streamed song of all time”

Amerika – Kinilala ngayon bilang “Most-Streamed Song of All Time” ang kantang Despacito na pinasikat ni Luis Fonsi.

Naungusan na nito ang “Sorry” ni Justin Bieber na huling may hawak sa titulo.

Matapos lamang ang anim na buwan mula nang lumabas ang naturang kanta ay pumalo sa mahigit 4.6 billion times itong naipatugtog sa iba’t-ibang streaming services.


Dahil dito, ikinatuwa ni Fonsi ang naturang balita kung saan sinabi nitong wala umano siyang plano na makuha ang anumang pagkilala gusto lamang niya mapasaya ang tao sa kanyang kanta.

 

Facebook Comments