Premyo sa 2017 US Open, record breaking

Amerika – Tumatagingting na $50.4 million ang aasahang premyo ng mga mananalo sa 2017 US Open na magsisimula sa Agosto 28.

Sa ayon sa organizers ng US Tennis Association (USTA), record breaking ang nasabing halaga dahil matagal na nila itong napag-usapan ng mga kalahok noon pa man gayun na rin sa commitment ng mga ito sa sports na tennis.

Nabatid na tig-$3.7 million dollars ang maiuuwi ng mga kampeon sa men’s at women’s division sa nasabing tornamento.


 

Facebook Comments