DESTABILISASYON | Recruitment ng mga trabahador sa Valenzuela, ikinabahala

Ikinaalarma ni Senator Gatchalian ang biglaang pagiging agresibo ng recruitment sa mga manggagawa sa mga factory sa Valenzuela para bumuo ng union.

Ayon kay Gatchalian, hindi ito nangyayari sa Valenzuela sa nagdaang panahon pero sa nakalipas na 30-araw ay talagang pumapasok sa mga factories at pabrika ang mga organizer ng union at pinipilit nila na sumama sa kanila ang mga manggagawa.

Sinabi ito kay Gatchalian ng mga namamahala sa negosyo at mga manggagawa na kanyang nakausap noong nakaraang linggo.


Naniniwala si Gatchalian na may koneksyon ito sa intelligence information ng Armed Forces of the Phlippines (AFP) kaugnay sa planong destabilisasyon sa administrasyong Duterte.

Nababahala si Gatchalian na ang pagkilos ng grupo na gustong gumawa ng gulo ay makaapekto sa takbo ng trabaho at pagnenegosyo.

Facebook Comments