Sekyu at Mekaniko arestado ng PDEA ARMM, 1.7 Milyong Halaga ng Shabu nakumpiska

Nahaharap na sa kaukulang mga kaso ang dalawa katao na naaresto sa operasyon ng PDEA ARMM , Datu Odin Sinsuat PNP at Militar sa Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Paglabag sa RA 9165 o mas kilala “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng mga suspeks na sina Mohamidin Ambak Sandigo alias Kalex, High Value Target , 28 years old, market security, residente ng Poblacion Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao at Sammy Ali Panalangin alias Alnor, (HVT), 26 years old, mekaniko , residente ng Brgy. Nunangan, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao.

Nakumpiska sa mga drug suspek ang 250 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 1.7 Million Pesos. XRM at Raider Motorcycle.


Kasalukuyang himas rehas na sa lock up cell ng PDEA ang naaresto.



Facebook Comments