Destinasyon ng Narekober na Cocaine sa Cagayan,Hindi sa Pilipinas- PDEA

Cauayan City, Isabela- Iginiit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 02 na maaaring hindi sa Pilipinas ang destinasyon ng mga narekober na bricks ng cocaine sa baybayin ng karagatan ng lalawigan ng Cagayan.

Sa isang panayam, sinabi ni PDEA Region 02 Assistant Regional Director Cristy Silvan, dahil sa lawak at drop-off area ng karagatan ng Cagayan at Isabela posibleng hindi sa Pilipinas ang target na mapunta ang mga ipinaanod na illegal na droga.

Taong 1999 nang makarekober ng parehong droga sa bahagi ng Batanes ngunit walang nahuling suspek.

Bagama’t hindi tiyak ang pinagmulan ng kontrabando ay patuloy naman ang imbestigasyon batay sa nakitang palatandaan na International Football Organization na nakabase sa Bogota, Colombia.

Sa inisyal na pagtaya ng ahensya, tumitimbang ng 5,592 grams ay nagkakahalaga ng mahigit kumulang P30-M ang nasabing cocaine.

Humiling na rin ang PDEA sa North Luzon Command para sa pagsasagawa ng aerial surveillance sa lugar kung saan natagpuan ang ipinagbabawal na gamot gayundin ay nagsagawa na ng pulong sa iba pang law enforcement unit kaugnay sa pagkakatagpo ng nasabing imported na droga.

Patuloy rin ang seaborne patrolling ng Philippine maritime katuwang ang iba pang law enforcement agencies.

Facebook Comments