Nakatakdang mag-convene sa Enero 11, 2020 ang Senado bilang Committee of the Whole para busisiin ang plano ng ehekutibo sa pagbili at distribusyon ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Senate President Tito Sotto III, umaasa siya na magiging plantsado at detalyado ang COVID-19 vaccination plan na ipipresenta ng National Task Force (NTF) on COVID-19 at Department of Health (DOH).
Habang kailangan din aniyang isapubliko ang bawat hakbang ng gobyerno kaugnay sa COVID-19 vaccine para magkaroon ng transparency dahil ₱82 billion ng pondo ay mula sa pera ng taumbayan.
Sabi naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na ang pagdinig ng Senado ay bahagi ng pagbabantay nito sa roll out plans ng pamahalaan hinggil sa COVID-19 vaccine.
Ayon kay Zubiri, dapat matiyak na ang bibilhing bakuna ay ligtas at epektibo para proteksyunan ang mamamayan laban sa COVID-19.