Bilang ng mga binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19, muling bumaba

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 5 lamang na bagong binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19.

Ang total deaths na ngayon ay 9,067 o 1.93%.

1,406 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID cases na sa bansa ay 469,005.


Ang aktibong kaso naman ay 28,883 o 6.2%.

266 naman ang bagong gumaling sa virus kaya ang total recoveries na ay 431,055 o 91.9%.

Nangunguna ngayon ang Bulacan sa may pinakamataas na bagong kaso,sumunod ang Quezon City, Rizal, Laguna at Batangas.

Facebook Comments