Detalyadong report ng PNP hinggil sa umano’y paglabag sa health protocols ng ilang presidentiables, inaantabayanan pa ng DILG

Hinihintay pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mas detalyadong report ng Batangas PNP hinggil sa umano’y paglabag sa health protocols ng ilang presidential aspirants na nagtungo sa nasabing lalawigan kamakailan.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya na sa ngayon ay raw report pa lamang ang kanilang natatanggap.

Aniya, on going ang imbestigasyon ng Batangas police na siya ring may hurisdiksyon dito.


Matatandaang sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na nakatanggap siya ng report hinggil sa umano’y paglabag sa health protocols ng ilang personalidad na sasabak sa national elections.

Hindi man pinangalanan pero kamakailan ay magkahiwalay na nagtungo sa Batangas sina Manila Mayor Isko Moreno at Sen. Manny Pacquiao.

Facebook Comments