Determinasyon ng nga kaalyado ni P-Duterte na ipa-impeach si VP Leni, hindi na ikinagulat ng liderato ng LP

Manila, Philippines – Hindi na ikinagulat ni Liberal Party o LP President Francis Kiko Pangilinan ang matinding determinasyon ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang impeachment laban kay Vice President Leni Robredo.
 
Ito aniya ay sa kabila ng pahayag ni Pangulong Duterte na tigilan na ang planong pagpapatalsik sa ikalawang pangulo.
 
Buo ang paniniwala ni Senator Pangilinan na nakikita ng mga kaalyado ni Pangulong Duterte na banta si VP Leni sa kanilang mga planong pampulitika.
 
Giit naman ni LP Senator Leila De Lima, mapanlinlang at kahiya hiya ang karakter ng mga kaalyado ni Pangulong Duterte na nagtutulak ng impeachment laban kay VP Leni sa kabila ng pag awat sa kanila ng pangulo.
 
Partikular na tinukoy ni De Lima sina House Speaker Pantaleon Alvarez, Justice Secretary Vitaliano Aguirre at Solicitor General Jose Calida.


Facebook Comments