SPD, nagbabala sa mga nag-iikot na nagpapanggap na mula sa tanggapan ng OPAPP

Manila, Philippines – Nagbabala ang Southern Police District sa grupong nag-iikot at nagpapakilalang mga tauhan ng Office of Presidential Adviser on the Peace Process.
 
Batay sa inilabas na warning ng SPD, ang grupo ay lumalapit sa ilang personalidad at mga kumpanya para manghingi ng reservation fees para sa OPAPP government projects.
 
Nilinaw naman ng OPPAP na wala silang pinahihintulutan na sino man para mag-alok ng mga proyekto.
 
Pinapayuhan naman ang publiko na ireport ang naturang mga indibidwal sa OPAPP numbers ‎02-6360701 local 823 or 824 / mobile 0917. ‎3009346 or email to opapp.osec@gmail.com
 

Facebook Comments