DEVELOPMENT ASSISTANCE | European Union, bukas pa ring magbigay ng tulong sa Pilipinas

Manila, Philippines – Bukas pa rin ang European Union (EU) na magbigay ng tulong sa Pilipinas sa kabila ng ilang beses na pagtanggi ng gobyerno.

Ayon kay EU Ambassador Franz Jessen, umaasa sila na sa huli ay maipagpapatuloy pa rin nila ang pagbibigay ng kanilang development assistance sa Pilipinas.

Aniya, isang delegasyon mula sa Brussels ang nakatakdang bumisita sa Maynila.


Matatandaang noong nakaraang buwan ay magbibigay sana ang EU ng 6.1 million euros aid pero hindi ito tinanggap ng pamahalaan.

Una nang iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya tatanggapin ang ayuda ng EU dahil sa pakikialam sa kaniyang kampaniyang war on drug.

Facebook Comments