Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na isang magandang pagkakataon para kay Rappler CEO Maria Ressa na ipagtanggol ang kaniyang sarili sa kasong kinakaharap.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap na rin ng pagkakaaresto kay Ressa kagabi ng National Bureau of Investigation o NBI dahil sa kasong Cyber Libel.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, magandang oportunidad kay Ressa ang pag-usad ng kaso laban sa kanya dahil maaari nang marinig ang kanyang panig.
Sinabi pa ni Panelo na sa Korte na lang magpaliwanag si Ressa dahil ito naman ang tamang venue para dinggin ang kaso at ipagtanggol ang kanyang sarili.
Binigyang diin pa ni Panelo, walang sinuman ang dapat mangibabaw sa batas kahit pa ang mga tinawang nitong high profile self-anointed crusading Journalist.
Sinabi din nito na walang kinalaman ang Freedom Of Expression sa kinakaharap na kaso ni Ressa dahil ito ay isinampa ng isang pribadong indibidwal.