Development sa mga trial sa mga gamot kontra COVID-19 sa iba’t ibang bansa, mino-monitor na rin ng Philippine Diplomatic posts sa abroad

Pinatututukan na rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa kanilang Foreign Service posts ang mga development sa clinical trials ng gamot sa COVID-19 sa iba’t ibang bansa.

Partikular ang mga pag-aaral na ginagawa sa America, Asia and the Pacific, Europe, Africa at Middle East.

Ang ano mang impormasyon sa bakuna kontra COVID o ang posibleng potential international partners ay agad na ini-endorso ng DFA sa Department of Science and Technology (DOST).


Ang DOST kasi ang siyang chair ng sub-technical working group sa COVID-19 vaccine clinical trials.

Tumutulong din ang DFA sa pag-asikaso sa flight clearances at sa issuance ng visa ng mga foreign technical experts na may kaugnayan sa COVID-19.

Facebook Comments