DFA, 2 araw nang walang naitalang Pinoy na namatay sa COVID sa abroad; bilang ng bagong kaso ng sakit, 3 lamang

Walang Pilipinong naitala ngayon na binawian ng buhay sa abroad dahil sa COVID-19.

Kinumpirma rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 3 kaso lamang ang new cases ngayon habang 7 ang panibagong naka-recover.

Ang mga bagong recoveries ay mula sa Asia and the Pacific.


Sa ngayon, umaabot na sa 9,757 ang kabuuang bilang ng mga pinoy mula sa 72 na mga bansa ang tinamaan ng COVID-19.

3,259 dito ay active cases habang ang kabuuang recoveries ay 5,790.

Nananatili naman ang total deaths sa 708.

Umaasa naman ang DFA na magtutuloy-tuloy ang mataas na recoveries ng mga Pinoy na na-infect ng COVID-19 sa abroad at wala nang madadagdag sa bilang ng mga binawian ng buhay.

Facebook Comments