Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Enrique Manalo ang pagkasawi ng dalawang Pinoy kasunod ng pag-atake ng rebeldeng Hamas sa bansang Israel.
Ayon kay Foreign affairs Secretary Manalo na mariing kinokondena ng Pilipinas ang nagpapatuloy na gulo sa Israel na nagresulta sa pagkasawi ng mga kababayang Pilipino sa nasabing bansa.
Aniya, handa ang Pilipinas na tumulong sa iba pang mga bansa para sa pagtatamo ng pangmatagalang kapayapaan sa lugar alinsunod na rin sa prinsipyo ng UN Securtiy Council Resolutions.
Samantala, tiniyak din ng ahensya na nakaalalay at nakabantay ang Pamahalaan sa ating mga kababayang naiipit sa gulo sa bansang Israel gayundin sa Palestine.
Facebook Comments