DFA: Aktibidad ng Pilipinas sa WPS, hindi kailangan ng basbas ng ibang bansa

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi kailangang humingi ng permiso ang Pilipinas mula sa ibang bansa hinggil sa mga aktibidad nito sa Exclusive Economic Zone (EEZ).

Nilinaw ito ng DFA kasunod ng pahayag ni Chinese Ambassador Huang Xilian na nagde-deliver daw ng building materials ang Pilipinas sa BRP Sierra Madre.

Iginiit ng DFA na lehitimo ang rotation at resupply mission ng Pilipinas.


May karapatan din aniya ang bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Facebook Comments