PPA, nakaalerto na para sa muling pagbubukas ng klase

Ilang araw bago ang muling pagbubukas ng klase, itinaas na rin ng Philippine Ports Authority (PPA) ang alerto nito dahil sa inaasahang dagsa ng mga pasahero.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, nakahanda na ang lahat ng kanilang pantalan partikular na ang mga passenger terminal sa buong bansa katuwang ang kanilang Port Police, Philippine Coast Guard (PCG), at Maritime Industry Authority.

Bukod sa seguridad ay ang pagsiguro din aniya na magiging komportable ang mga pasahero.


Sa monitoring ng PPA, nagsisimula nang dumami ang mga pasahero na umuuwi sa mga probinsya.

Kabilang sa top 3 ports na pinakaabala ngayon dahil sa pagtaas ng bilang ng mga pasahero mula nang magsimula ang Brigada Eskwela at long weekend ay sa Panay, Guimaras, Batangas at Bicol.

Facebook Comments