DFA, aminadong ang Vietnam ang tanging strategic partner ng Pilipinas sa ASEAN na umabot ng halos 47 years

Aminado ang Department of Foreign Affairs (DFA) na ang Vietnam ang naging strategic partner ng Pilipinas sa loob ng 47 years.

Matatandaan na nagkasundo ang Pilipinas at Vietnam na palakasin ang koordinasyon sa pagharap sa mga isyung pandagat, partikular sa paggawa ng code of conduct sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay DFA Assistant Secretary for Maritime and Ocean Affairs Maria Angela Ponce, na ang mga talakayan sa kanilang Vietnamese counterparts ay “kritikal” sa pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa sa Southeast Asia, sumang-ayon din na galugarin ang isang malawak na hanay ng mga potensyal na aktibidad sa kooperasyong pandagat upang mapahusay ang kanilang strategic partnership.


Samantala, ang Vietnam at Pilipinas ay parehong claimant sa bahagi ng WPS, kasama ng China, Malaysia, at Indonesia, bukod sa iba pang bansa.

Facebook Comments