GRADE 7 STUDENT SA SAN CARLOS CITY, PATAY MATAPOS MALUNOD SA AGNO RIVER

Patay ang isang trese anyos na Grade 7 Student sa San Carlos City matapos itong malunod.
Ang biktima ay nakilalang si Zhian Payopay residente ng Brgy. Payopay sa nasabing lungsod.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na naliligo sa Agno River ang biktima kasama ang ilang mga kaibigan nito ng bigla umanong mapunta sa malalim na bahagi ng ilog ang biktima.

Nang makita ng kanyang mga kasamahan ang biktima na nalulunod ay nagpanic umano ang mga ito at iniwan ito pansamantala upang humingi ng tulong.
Makalipas ang tatlumpung minuto ay may isang taga roon ang nakakita sa lumulutang ng katawan ng biktima na agad namang iniahon at isinugod sa pagamutan subalit idineklarang Dead on Arrival. |ifmnews
Facebook Comments