MANILA – Iginiit ngayon ng Department of Foreign Affairs na hindi rin sila naabisuhan agad ng gobyerno ng kuwait kaugnay sa pagbitay sa pinay OFW na si Jakatia Pawa.Nabatid na si Jakatia mismo ang tumawag sa kapatid nitong si Air Force Lt. Col. Gary Pawa kahapon ng umaga upang iparating na bibitayin na sya.Sa interview ng RMN kay DFA Spokesman Asec. Charles Jose – kahapon lang din sila tinawagan ng gobyerno ng Kuwait kaugnay sa pagbitay.Ayon kay Jose – matagal na silang umaaksyon sa kaso ni Jakatia para lang mapababa ang kaso ng pinayUna nang binatikos ng human rights advocate na si Susan Ople ng blas ople policy center and training institute ang naging hakbang ng gobyerno sa huling labing walong oras, bago bitayin si Jakatia.Sa interview ng RMN kay Ople – sinabi nito na kahit alam na ng DFA ang araw ng execution ay hindi nila ito agad na ipinarating sa pamilya ni Pawa.Kasabay nito, pinayuhan ni Ople ang mga nagbabalak na magtrabaho abroad na magsilbing sanang aral ang nangyari sa pinay OFW.
Dfa– Dumipensa Sa Batikos Na Hindi Agad Inabusuhan Ang Pamilya Ng Pinay Ofw Na Si Jakatia Pawa Sa Araw Ng Kanyang Execut
Facebook Comments