Paf Nagpa-Abot Ng Pakikiramay Sa Buong Pamilya Ni Lt. Col Gary Pawa Kasunod Sa Pagbitay Sa Kapatid Nitong Si Jakatia Paw

10

KUWAIT – Nagpa-abot ng pakikiramay ang Philippine Air Force sa buong pamilya ni Lt. Col Gary Pawa, kasunod sa pagbitay sa kapatid nitong si Jakatia Pawa.Ayon kay Air Force Spokesperson Col Antonio Francisco – handa silang magpahatid ng tulong sa pamilya ni Lt. Col Pawa lalo na sa dalawang naulilang mga anak ng kapatid nitong si Jakatia.Sinabi ni Francisco na para maibsan ang bigat ng kalooban na nararamdaman ng pamilya pawa ay tutulong sila, sa pamamagitan man ito ng financial o emotional support.Si Lt. Col. Pawa ang tumatayong ama ngayon ng dalawang anak ni Jakatia na nakatira sa Zamboanga City.Dalangin din ng buong PAF ang kapayapaan ng isip ni Lt Col Pawa at ng buong pamilya nito.

Facebook Comments