DFA, ginagawa ang nararapat na hakbang sa issue ng pagtatayo ng China ng rescue center sa Kagitingan Reef – Malakanyang

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na tahimik na tinatrabaho ng Department of Foreign Affairs ang issue ng pagtatayo ng China ng Maritime Rescue Center sa pinag-aagawang isla sa West Philippines Sea.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, pilit na nireresolba ng DFA ang issue na ito at sa katunayan ay aabot na sa 20 ang mga diplomatic protest na ibinigay ng Pilipinas sa China kaugnay sa iba’t-ibang issue.

Sinabi ni Panelo na marahil ay hindi alam ng nakararami na patuloy ang pagtatrabaho ng mabuti ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin para maresolba ang usaping ito.


Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng mga batikos ng iba’t-ibang sector sa usapin kabilang na dito ang ilang Senador.

Facebook Comments