Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng pamahalaan matapos kumpirmahing nasa maayos na kalagayan ang 17 seafarers na bihag ng Houthi Rebel.
Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Manila kay Foreign Affairs Undersecretary Jose Eduardo de Vega, sinabi nitong ginagawa na nila ang lahat ng paraan para mai-release na sa lalong madaling panahon ang mga bihag na seafarers.
Matatandaang ang 17 Pinoy seafarers ay kasama sa mga crew ng na-hijack na cargo ship sa bahagi ng Red Sea Base sa manning agency ng mga ito.
Sa ngayon ay pinagpaplanuhan na ng pamahalaan katuwang ang ilang ahensya kung paano ang magiging set-up sa mabilisang pagpapalaya sa mga Pinoy.
Facebook Comments