DSWD, tatalakayin ang usapin at mga programa ng NAPC

Nakatakdang magpulong ngayong araw ang Department of Social Walfare and Development (DSWD) para talakayin ang mga programa at aktibidas ng National Anti-Poverty Commission (NAPC).

Pangunahan ni Social Welfare Assistant Secretary for Strategic Communications Rommel Lopez ang pagpupulong kasama sina Social Welfare Director Aldrine Fermin at NAPC Lead Convenor Secretary Lope Santos III upang pag-usapan ang mga hakbang na makakatulong sa pag-angat ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Layon ng DSWD, na maiprayuridad at maibigay ang pangangailangan ng mga Pilipino partikular ang mga mahihirap.


Facebook Comments