Inirekomenda ni Department Foreign Affairs (DFA) Sec. Teodoro Locsin Jr., sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapatupad ng travel ban sa India.
Sa harap ito ng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa India kung saan isinisisi ito sa Indian variant na itinuturing na double mutant at mabilis makahawa.
Ayon kay Locsin, ang kanyang rekomendasyon ay hindi personal at sa halip ito ay para sa kaligtasan ng bawat isa.
Sa ngayon, nananatiling sarado ang Embahada ng Pilipinas sa New Delhi hanggang sa May 17.
Sa harap ito ng lockdown na pinaiiral ngayon sa India.
Facebook Comments