DFA, hinimok ang mga OFW na pinauwi mula Dubai na makibahagi sa kanilang gagawing Job Fair bukas

Hinikayat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga pinauwing OFW galing Saudi Arabia na makibahagi sa gagawing Job Fair bukas, October 25, 2019.

Sa pahayag ng DFA, ang Job Fair ay gaganapin alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa Apolinario Mabini Hall sa DFA Building, Roxas Boulevard sa Pasay City.

Mayroong 16 na Recruitment Agencies ang magsasagawa ng paunang pasusuri sa mga aplikante para sa iba’t ibang posisyon.


Ayon kay DFA Usec. for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola, patuloy ang pagtulong nila sa mga repatriated OFWs, lalo na sa Construction Sector mula Saudi Arabia na matinding naapektuhan ng malawakang pagsasara ng construction companies doon.

Bukod sa paghahanap ng trabaho, magkakaroon din umano ng Medical Consultation at ipakikita ang mga programa ng gobyerno.

Facebook Comments