DFA, hinimok ang pamahalaan na bumili ng Sputnik V vaccines

Hinimok ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pamahalaan na bumili ng Russian-made COVID-19 vaccine, Sputnik V matapos malamang 91.6% itong epektibo.

Ayon kay Locsin, ang pagiging malapit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Russian President Vladimir Putin ay susi para makakuha ang bansa ng vaccine supply.

“I strongly urge my government to get a huge shipment of Sputnik,” sabi ni Locsin sa isang tweet.


Batay sa medical journal, The Lancet – lumalabas sa interim analysis ng phase 3 trial sa halos 20,000 participants ay mabisa ang bakuna laban sa COVID-19.

Pero ipinunto ng independent journal, kailangan pa ng karagdagang pag-aaral at pananaliksik para makumpirma ang resulta.

Facebook Comments