DFA, humingi ng tulong sa DOH at PH Embassy para mabakunahan si Pinoy gymnast Carlos Yulo bago ang Tokyo Olympics

Nakiusap ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Department of Health (DOH) at Embahada ang Pilipinas sa Tokyo na tulungan ang Filipino gymnast na si Carlos Yulo na mabakunahan laban sa COVID-19 bago siya sumabak sa nalalapit na Tokyo Olympics.

Si Yulo ay kasalukuyang nagsasanay sa Japan sa loob na ng higit isang taon.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., umaasa siya na matutulungan si Yulo at kanyang coach na si Munehiro Kujimiya na mabakunahan.


“@DOHgovph Please help our Olympic contender. Carlos Yulo and his coach Munehiro Kujimiya need to be vaccinated now. They are in Tokyo. @DFAPHL please contact our Embassy in Tokyo to get this done. I will DM @dododulay the cell number of Munehiro Kujimiya. Soonest please,” sabi ni Locsin sa kanyang tweet.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Gymnast Association of the Philippines (GAP) President Cynthia Carrion na hindi niya pinapayagang magpabakuna si Yulo dahil posibleng makaapekto ito sa kanyang training.

Si Yulo ay kauna-unahang lalaking atleta sa Southeast Asia na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastyics Championships.

Nanalo rin siya ng dalawang gold medals at limang silver medals noong 2019 Southeast Asian Games.

Facebook Comments