Ikinalugod ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagdami ng mga bansang sumusuporta sa Arbitral ruling na naipanalo ng Pilipinas, pitong taon na ang nakararaan.
Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ikinararangal ng bansa na magsilbing ang ruling bilang gaya sa lahat ng mga bansa, kung saan maituturing na landmark at kontribusyon ng Pilipinas ang ruling sa larangan ng International Law.
Sinabi rin ng kalihim na pinili ng Pilipinas na idaan sa prinsipyo, rule of law, at mapayapang pagresolba ang paghahain ng arbitration case sa The Hague.
Dagdag pa ni Manalo, patuloy na magsilbing liwanag ang Arbitral ruling para sa lahat ng mga nagnanais na maresolba ang mga sigalot sa mapayapang paraan at para din sa mga nais magpatupad ng rules-based international order.