MIF Bill at panibagong extension sa estate tax amnesty, lalagdaan na sa Martes

Lalagdaan na sa susunod na linggo ang Maharlika Investment Fund (MIF) Bill at panukala na panibagong dalawang taong extension sa estate tax amnesty.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, sa Martes, July 18, sabay na lalagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang bills.

Imbitado sa signing ng panukalang batas si Zubiri at ang iba pang senador.


Ang MIF na tinuturing na landmark bill at ang pagpapalawig pa sa estate tax amnesty ay inaasahang kabilang sa babanggitin ng pangulo sa kanyang State of the Nation Address o SONA sa July 24.

Kung malalagdaan ang MIF ay posibleng maipatupad na ito ngayong taon at inaasahang magbibigay ito ng dagdag na trabaho at oportunidad sa mga Pilipino.

Facebook Comments