Ikinalugod ng pamahalaan ng Pilipinas ang naging statement ni Kuwaiti Foreign Minister Sheikh Dr. Ahmad Nasser Al-Mohammed Al-Sabah kaugnay ng pag-alis ng sanction ng Kuwait laban sa Qatar.
Partikular ang blockade na unang pinatupad noong 2017 ng Kuwait at iba pang bansa sa Middle East laban sa Qatar
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang Pilipinas ay kaisa at sumusuporta sa hangarin ng Kuwait, United States at ng international community na tuluyan nang magwakas ang tensyon sa Gitnang Silangan.
Una nang nanawagan ang isang independent United Nations expert sa mga bansang nagpatupad ng blockade laban sa Qatar sa pangunguna ng Saudi Arabia na bawiin na ang sanctions laban sa Doha dahil labag ito sa human rights.
June 2017 nang isinara ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Bahrain at Egypt ang kanilang borders sa Qatari dahil sa hinalang sumusuporta ang Qatar sa terorismo at sa Iran.
Sa nasabing sanction, maraming estudyanteng Qatar ang hindi na nakapag-aral sa mga karatig nitong bansa na nagsara ng border.