Mag-asawang aktibista, nahulihan ng mga armas at pampasabog sa Quezon City

Arestado ng mga pulis sa kanilang tahanan sa Farview, Quezon City ang mag-asawang aktibista.

Kinilala ang arestado na sina Dennise Velasco at Diane Zapata.

Si Velasco ay isang trade union organizer.


Ito’y matapos isilbi ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detention Group (CIDG) kay Velasco ang search warrant na inisyu ni Quezon City Executive Judge Cecilyn Burgos-Villavert.

Nakuha sa kanilang tahanan ang mga armas, ilang pampasabog at ilang subersibong dokumento.

Facebook Comments