MANILA – Aminado ang Department of Foreign Affairs (DFA) na naunahan sila ng pinay OFW na si Jakatia Pawa na sabihan ang kanyang pamilya kaugnay sa kanyang bitay kahapon.Ayon kay DFA Spokesperson Charles Jose – noong Martes pa sila naabisuhan ng gobyerno ng Kuwait na tuloy na ang pagbitay sa pinay.Nilinaw naman ni Jose – ginawa naman ng DFA ang lahat para maisalba si Pawa pero nagmatigas ang pamilya ng biktima sa Kuwait na huwag itong bigyan ng ‘tanazul’ o letter of forgiveness.Ikinadismaya naman ni Lieutenant Colonel Angaris Pawa, kapatid ng binitay na OFW – kung hindi pa mismo si Jakatia ang tumawag sa kanila, hindi pa nila malalaman na dumating na ang araw ng kanilang pinangangambahan.Samantala, tiniyak naman ni Overseas Workers Welfare Administrator (OWWA) Chief Hans Leo Cacdac na mabibigyan ng tulong ang pamilya ni Pawa kabilang ang 120,000 pesos na death and burial benefit, scholarship para sa mga anak nito at livelihood assistance.Samantala, nagpahayag na rin ng pakikiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa pamilya ni Pawa.
Dfa, Inamin Na Nahuli Sila Sa Pag-Abiso Sa Pamilya Ng Ofw Na Binitay Sa Kuwait…Mga Naulilang Anak Ng Ofw, Tutulungan
Facebook Comments