Inihahanda na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang repatriation sa labi ng dalawang Pilipino na nasawi sa gas explosion sa Abu Dhabi noong August 31.
Ayon sa DFA, nakipag-uugnayan na sila, kasama ang Philippine Embassy at Department of Labor and Employment, sa pamilya ng mga biktimang sina Clark Gasis at Merriner Bartoces.
Inaalalayan din ng embahada ang mga pamilya sa pagpoproseso ng death benefits na kanilang matatanggap mula sa Philippine government.
Tiniyak naman ni Philippine Ambassador to United Arab Emirates Hjayceelyn Quintana na nasa maayos ng kalagayan ang isa pang Pilipino na nasugatan sa pagsabog.
Nagpasalamat din ang embahada sa UAE Government para sa pag-aalaga sa mga Pilipinong naapektuhan ng pagsabog.
Facebook Comments