DFA, iniulat na walang Pinoy na casualties sa nangyaring magnitude 8.1 na lindol sa Mexico

Mexico – Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino na kabilang sa casualties sa nangyaring magnitude 8.1 na lindol sa Mexico.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, maging si Philippine Ambassador to Mexico Eduardo De Vega, na dumadalo noon sa isang official function sa Oaxaca malapit sa epicenter ng lindol ay maswerteng hindi nasaktan.

Kasunod nito nagpaabot ng pakikiramay ang gobyerno ng Pilipinas sa Mexico.


Sinabi pa ni Cayetano na patuloy ang ginagawang monitoring ng DFA sa sitwasyon ng ating mga kababayan sa Mexico.

Sa ngayon, umaabot na sa 58 katao ang nasawi dahil sa nasabing malakas na pagyanig.

Facebook Comments