Isang babae sa Pasig City, arestado matapos mameke ng pribadong dokumento

Pasig City – Arestado ang isang babae sa Pasig City makaraang mameke ng mga pribadong dokumento.

Kinilala ang suspek na si Danica Amplayo, 24 anyos, isang customer service attendant at residente ng Barangay Cembo, Makati City.

Bitbit ang warrant of arrest, pinangunahan ni PSI Ronald Saquilayan ang pagdakip kay Amplayo sa pinapasukan nito sa Eastcox Company Rockwell Center Ortigas, Pasig.


Nahaharap sa kasong falsification of private document na may piyansang 12 libong piso.

Facebook Comments