DFA, kinontra si VP Leni sa komento nito kay BBM at sa democratic institutions

Hindi sinang-ayunan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pahayag ni Vice President Leni Robredo na ang hindi pagtanggap ni Dating Senator Bongbong Marcos ng kanyang pagkatalo sa 2016 vice presidential race ay nakasisira lamang sa democratic institutions sa bansa.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Locsin na kung sa tingin ni Robredo na dinaya siya sa eleksyon ay dapat siyang lumaban para patunayan ito.

Aniya, bahagi ng democratic duty ni Robredo na protektahan ang electoral process sa anumang hinala.


Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na ang pangtanggi ni Marcos na pagkatalo ay nagpapakita lamang ng pagduda sa integridad ng democratic institutions.

Matatandaang sinabi ng kampo ni Marcos na hindi pa tapos ang kanilang laban kahit ibinasura na ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal ang kanilang poll protest.

Facebook Comments