DFA, kinumpirma ang pagbisita ng Chinese Foreign Minister sa bansa mula Abril 21 hanggang 23

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang tatlong araw na official visit ni Chinese State Councilor at Foreign Minister Qin Gang sa Pilipinas mula Abril 21 hanggang 23.

Ang pagbisita ng Chinese top diplomat ay kasunod ng imbitasyon ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.

Ito ay pagpapatuloy ng ilang serye ng high level interactions sa pagitan ng China at Pilipinas.


Inaasahang pag-uusapan ng dalawang opisyal ang resulta ng Philippines-China Foreign Ministry Consultations at Bilateral Consultations Mechanism sa pinag-aagawang karagatan na idinaos sa bansa noong nakalipas na buwan.

Samantala, ang pagbisita ng Chinese Foreign Minister sa bansa ay ang kaniyang kauna-unahang engagement sa Pilipinas simula ng maitalaga bilang foreign minister noong Disyembre ng nakalipas na taon at State Councilor noong March 2023.

Facebook Comments