Higit ₱1-M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa Makati City

Nasabat ang nasa ₱1,121,524 halaga ng hinihinalang shabu sa Brgy. Guadalupe Viejo, Makati City.

Ayon sa Southern Police District Director Police Brigadier General Kirby Kraft, nakatanggap umano sila ng ulat sa mga tauhan ng Poblacion substation mula sa concerned citizen na may nakita siyang grupo na nagsasagawa ng cara y cruz.

Nakumpiska sa walong suspek ang tatlong pirasong one peso coin na ginamit bilang flippers, ₱1,740 bilang bet money, walong medium at pitong heatsealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 164.93 grams.


Samantala, nasa kustodiya na ngayon ng Poblacion substation 6 ang mga suspek at ang mga narekober na ebidensiya para sa docoumentation at sa isasampang kaso ng investigation and detection management.

Facebook Comments