Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ilan sa Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Afghanistan ang lumipat sa France.
Ang naturang Pinoy professionals sa Afghanistan ay lumikas matapos ang pag-take over ng Taliban sa gobyerno ng Afghanistan.
Kaugnay nito, nagpasalamat si Foreign Affairs Acting Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs Ma. Theresa Lazaro sa pamahalaan ng France sa malaking tulong nito sa paglipat sa kanilang bansa ng ilang OFWs mula Afghanistan.
Partikular na ipinaabot ni Usec. Lazaro ang pasasalamat ng pamahalaan ng Pilipinas kay French Foreign Affairs Director for Asia and Oceania Bertrand Lortholary.
Nagkasundo rin ang mga opisyal na lalo pang palakasin ang uganayan ng Pilipinas at ng France sa maraming larangan.