DFA, kinumpirma na sakop ng travel ban ng Saudi Arabia ang Pilipinas

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs o DFA na kasama ang Pilipinas sa travel ban ng Saudi Arabia kaugnay ng COVID-19 threat.

Bukod sa Pilipinas, kasama sa travel ban ang mga bansa na may high risk ng paglaganap ng COVID-19.

Sakop din ng travel ban ang Umrah Visa holder at ang mga turista na may mataas na kaso ng virus.


Papayagan naman na pumasok ng Saudi Arabia ang mga Pinoy na may visa para sa employment, work, business at family visit.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa Riyadh at Philippine Consulate General sa Jeddah sa gobyerno ng Saudi Arabia para sa mga karagdagang update.

Facebook Comments