DFA, kinumpirma na walang Filipino casualties sa panibagong terror attack sa Bogota

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Colombia at pamilya ng mga namatay kasunod ng terrorist attack sa Bogota.

Nabatid na 21 ang namatay at 68 iba pa ang nasugatan ng sumabog ang isang car bomb sa isang police academy sa Bogota.

Ayon sa Philippine Embassy sa Brasilia, na may jurisdiction sa Colombia, wala sa 140 members ng Filipino Community ang napabilang sa mga namatay at nasugatan sa terror attack.


Sa ulat ni Ambassador Marichu Mauro, isang truck na may laman 80 kilograms ng explosive pentolite ang sumabog makaraang ibangga ito sa pader sa loob ng General Santander police academy habang ginaganap ang promotion activity ng mga kadete.
Tinawag ni Colombian President Ivan Duque ang insidente bilang terrorist act at idineklara ang tatlong araw na national mourning o pagdadalamhati.

Facebook Comments