DFA, kinumpirmang 17 Pilipinong seafarers ang kasama sa mga bihag ng rebeldeng Houthi sa Red Sea

Nakatutok na raw ang pamahalaan matapos mabihag ang 17 seafarers na bihag ngayon ng rebeldeng Houthi.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega na nababahala sila ngayon dahil sa dami ng mga Pilipinong seafarers na bihag ng grupo.

Ang 17 Pinoy ay kasama sa mga crew ng na-hijack na cargo ship sa katimugang bahagi ng Red Sea sa unang bahagi nitong linggo.


Ang kumpirmasyon ni De Vega ay base na rin sa manning agency ng nasabing mga Pinoy seafarers at kasama rin umano ang ibang dayuhang bihag.

Ani De Vega, posibleng konektado sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israel at militanteng Hamas ang naturang insidente.

Dagdag ni De Vega na ang naturang barko ay maaring tinarget dahil pag-aari ito ng Israeli subalit kompanya ito ng Japanese.

Facebook Comments