DFA, kinumpirmang nawawala ang 5 Pilipinong tripulante sa Falkland Islands

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nawawala ang limang Pilipinong crew ng isang Taiwanese fishing vessel na nasunog sa Falkland Islands.

Ayon sa DFA, sinabi ng Philippine Embassy sa London na nangangalap na sila ng dagdag impormasyon ukol sa insidente.

Nakikipag-ugnayan rin anila ang mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa mga otoridad sa lugar at sa agency ng Pinoy seafarers na handa umanong tumulong.


Umaasa naman ang DFA na matatagpuan ang limang Filipino seaman.

Ani ni Ambassador to the United Kingdom Antonio Lagdameo, na ang mga Pinoy ay kasama sa 69 crew members ng bangkang pangisda mula Taiwan na nasunog noong February 11.

Facebook Comments